MOVIE REVIEW
Ang pamagat ng pelikula ay “Four Sisters and A Wedding”, nabuo mula sa direksyon ni Bb. Cathy Garcia-Molina. Ang kwento ay umiikot sa relasyon ng isang pamilya.
Ang mga bida rito ay ang limang magkakapatid na sina Toni Gonzaga, Angel Locsin,
Bea Alonzo, Shaina Magdayao at Enchong Dee.
Ang pagpili sa mga salitang nagamit para
mabuo ang script ay tamang tama lang
dahil kahit ika’y nanonood lamang sa sinehan at hindi sa aktwal ay damang dama
mo ang emosyon ng mga tauhan. Intense
kumbaga.
Pati sa musikang ginamit na background ay tumugma rin sa emosyon na
dapat ipakita. Masaya kung masaya. Senti
kung senti.
Overall, maganda ang kinalabasan dahil
ang pagpili sa bawat detalye ng pelikulang ito ay tama lamang, hindi sumobra, hindi
nagkulang kundi sakto lamang!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento