Linggo, Hulyo 21, 2013

MOVIE REVIEW

      Ang pamagat ng pelikula ay “Four Sisters and A Wedding”, nabuo mula sa direksyon ni Bb. Cathy Garcia-Molina. Ang kwento ay umiikot sa relasyon ng isang pamilya. Ang mga bida rito ay ang limang magkakapatid na sina Toni Gonzaga, Angel Locsin, Bea Alonzo, Shaina Magdayao at Enchong Dee.

      Ang pagpili sa mga salitang nagamit para mabuo ang script ay tamang tama lang dahil kahit ika’y nanonood lamang sa sinehan at hindi sa aktwal ay damang dama mo ang emosyon ng mga tauhan. Intense kumbaga.

      Pati sa musikang ginamit na background ay tumugma rin sa emosyon na dapat ipakita. Masaya kung masaya.  Senti kung senti.


      Overall, maganda ang kinalabasan dahil ang pagpili sa bawat detalye ng pelikulang ito ay tama lamang, hindi sumobra, hindi nagkulang kundi sakto lamang!